Nilinaw kahapon ng Departmento ng Trade at Industriya (DTI) ang peke umanong balita ng napa¬katinding pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin sa Marawi City at mga karatig lalawigan na kasaluku¬yang nasa “price freeze”.
Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-bayt (ABNA24) - Sinabi ni Trade Sekretarya Ramon Lopez na normal ang presyo ng mga produkto at may maayos na imbentaryo sa Marawi City at maging sa Iligan at Cagayan de Oro City.
Ito ay makaraan ang mga bali-balita na umakyat na umano sa P5,000 hanggang P6,000 ang kada sako ng bigas mula sa normal na P2,000.
Iginiit ni Lopez na nagsagawa ng “double check” ang kanyang mga opisyal sa Region 10 sa mga pamilihan at natagpuan na hindi totoo ang mga bali-balitang kumakalat na layon lamang umanong maghasik ng dagdag na kaguluhan sa publiko.
Ipinaalala ng DTI na patuloy na umiiral ang “price freeze” sa Marawi City dahil sa pagdedeklara ng Martial Law at state of calamity.
Nagbanta si Lopez sa mga negosyante na mananagot sa batas sa oras na mapatunayan na nagsasamantala sa mga mamimili sa pagmamanipula ng presyo ng kanilang mga paninda.
3 Hunyo 2017 - 22:43
News ID: 834035